Linggo, Hunyo 21, 2009

Ewan ko ba...

Alam kong walang relasyon ang title ng chever kong ito sa mga balak ko isulat pero pwede na ding sabihin na kahit papaano eh maikokonek ko naman ang mga issue na nakakapagpabagabag sa akin dito sa likha kong ito. Adik sa pagbabasa. Adik -- isang taong hayok na hayok sa isang bagay. Hindi ko naman masasabing ako ay hayok na hayok sa libro at adik ako sa pagbabasa. No, hindi ako ganon. Pero, mahilig ako magbasa lalo na nung high school. Nag-umpisa ang hilig ko sa pagbabasa dahil sa mama ko. Meron kasi siyang collection ng romance novels na may mature content... So, uhh masasabi kong malaki ang nabago sa akin simula nung umpisa akong magbasa. Lumawak ang aking vocabulary, natuto ako ng iba't - ibang bagay, both legal and somewhat illegal, natuto ako ng ibang bagay tungkol sa sex na medyo taboo para sa isang batang tulad ko, at na-explore ko ang iba't-ibang lugar ng hindi gumagastos. Parang panandaliang pagtakas ito sa magulong realidad at the same time isang malupet na exposure on what's to expect. Shocks, dito ko nabuo ang mga pananaw ko sa buhay. Nakikipagtalo pa ako sa mga may akda na as if naman naririnig nila ang sinasabi ko. Minsan nga, ang mga quotable quotes ni Ginoong Lemony Snicket ay nagagamit ko lalo na pag ako ay nagrereflect sa mga bagay-bagay.

So ang plano ko talagang gawin sa mga blog ko at posts ko ay ibunyag ang mga pananaw ko sa buhay at ibahagi ito sa buong mundo. So whether I like it or not, I'll be having a nosebleed situation pero ayos lang yon. Libre naman ito. Ang internet ang epitome ng demokrasya para sa akin. Lahat dito pwede. Kahit na may bantay...wala pa din naman silang masyadong magagawa...

Walang komento: